Sabay-sabay nating salubungin nang may pagmamahal si Pres. Clark Sarmenta para sa kanyang pamamaalam na mensahe bilang pangulo ng ating Club .
Nawa’y ipagpatuloy natin ang diwa ng ‘Service Above Self’ habang tayo’y sama-samang naglilingkod para sa ikabubuti ng iba.” @everyone
Isang Taos-Pusong Pasasalamat sa aking mga mahal na kapwa Rotarians ng Rotary Club of Cabanatuan West.
Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at tiwala sa aking isang taong panunungkulan bilang inyong Club President.
Ang ating matagumpay na mga meeting, makabuluhang service projects, at aktibong partisipasyon sa district events ay naging posible dahil sa bawat isa sa inyo.
Sa ating mga Project Heads na buong pusong nagbigay ng oras at lakas, at sa mga miyembrong palaging nariyan upang umalalay—saludo po ako sa inyo.
Hindi ko makakamtan ang tagumpay na ito nang mag-isa. Kayo ang naging sandigan ko sa bawat hakbang ng ating Rotary journey. Muli, isang taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat.
At ngayon, buong puso kong binabati ang ating bagong Presidente, Rodel Macapagal. Nawa’y patuloy kang pagpalain at gabayan ng Diyos sa iyong isang taong paglilingkod. Nandito kami upang sumuporta sa iyo, gaya ng pagsuporta ninyo sa akin. Mabuhay ang Rotary Club of Cabanatuan West!
Leave a Reply