Rotary Club of Cabanatuan West ang Family Day at Informal Turnover Ceremonies

BASAHIN-Matagumpay na isinagawa ng Rotary Club of Cabanatuan West ang Family Day at Informal Turnover Ceremonies noong Hunyo 22 sa MV’S Event Place, Cabanatuan City.

Ang araw na ito ay nagsilbing makasaysayang sandali para sa ating club, bilang paggunita sa pagtatapos ng isang Rotary year at pagsisimula ng panibagong yugto ng paglilingkod. Mainit na tinanggap si Incoming President Rodel Macapagal na siyang magpapatuloy sa nasimulang adbokasiya at serbisyong iniwan ng mga naunang lider ng aming samahan.

Ngunit higit pa sa pormal na turnover, ito rin ay naging isang masayang pagtitipon ng mga pamilya. Kasama ang ating mga anak at kabiyak, napuno ang araw ng tawanan, laro, at di-malilimutang alaalaβ€”isang paalala na sa Rotary, hindi lang tayo naglilingkod nang sama-sama, kundi tayo rin ay isang tunay na pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *